Saturday, July 27, 2013

Anibersaryo?! Unang akyat, taong 2012, ika 28 ng Hulyo

Because of you Rodney Yu, look, good luck sa Run and goodluck din sa akin! 27 mountains?! wehehehe!


Dito ko din unang nakilala sina Mina and 'ka' Jose
alin ang naiba?! :D (herbench vs merrell

Almost 2 months nang hindi umaakyat...

Kahapon, nakasabay ng bus na sinasakyan ko ang Victory Liner.
Bigla akong napaisip, kailan kaya ako ulit aakyat...? Nakakamiss...

Sa lahat po ng mountaineers na nakasama ko, CHEERS po!

Hindi kung anuman ang sukatan, kundi ang pagbabahagi ng pagkatao mo sa iba. Ang pakikitungo na tipong sa kapwa ko lang mountaineers nakukuha o nakikita. Ang paggalang at pagbati, at pagngiti sa kahit na sinong makasalamuha o makakasalubong, ang tanging nakakapagsaya sa akin habang umaakyat ng bundok. Pakiwari ko ba, ang lahat ay magkakapatid at magkakakilala na siyang dapat at aking pangarap.

Noon, ang tuwina'y pangamba ay kung makakasalubong ko ang mga 'bandido' na kung tawagin. Pero kalaunan, habang ako'y tumatagal, sa pag akyat. marami akong natututunan at hindi na ako nangangamba kailanman lalo na nang mapadpad ako sa Arayat. Ika nga, sila ay tao din. Hindi ko sila kilala. Pero sa lahat ng akyat ko at sa lahat ng nakakasalamuha ko, ang pagkakapatiran lamang ang aking natatanggap/nararamdaman. Pawang kasiyahan at paggalang sa isa't-isa.

Sa bawat akyat ng bundok ay may mga kaakibat na kwento at mga karanasan na hinding hindi makakalimutan kailanman!

Mayon Climb, the best ever!

Diwatang Gala nga naman... <3<3<3 (4075)- higit na nagpapasalamat sa mga nagbinyag sa akin ng pangalang ito

1.  Mt. Manabu July 28, 2012
2.  Mt. Batulao August 20, 2012
3.  Mt. Cristobal August 25, 2012
4.  Mt. Balagbag September 9, 2012
5.  Mt. Sembrano September 16, 2012
6.  Mt. Batulao September 23, 2012
7.  Mt. Makiling October 7, 2012
8.  Mt. Tarak October 13-14, 2012
9.  Mt. Maculot October 21, 2012
10. Mt. Tagapo October 28, 2012
11. Mt. Damas November 3-4, 2012 All Souls/Saints Day climb
12. Mt. Arayat November 11, 2012
13. Mt. Pundaquit December 2, 2012
14. Mt. Pico de Loro December 16, 2012
      Mt. Balagbag December 22-23, 2013 - First Team 5C Travellers Outreach
15. Mt. Malipunyo-Manabu-Maculot December 30-31, 2013 Year-end climb
16. Mt. Tapulao January 6, 2013 - First SOLO climb - dayhike
17. Mt. Nagpatong January 20, 2013
18. Mt. Tarak January 26-27, 2013
19. Mt. Pantingan-Tarak Febraury 3, 2013 2nd group to traverse
20. Mt. Timbak-Pulag February 9-10, 2013 Chinese New Year climb
21. Mt. Pulag February 23-24, 2013 negative 4 temperature climb-<3<3<3
22. Mt. Cristobal March 10, 2013 KOG's G2 pre climb
23. Mt. o Hill 522 March 15, 2013 - pre-Birthday climb
24. Mt. Humarap March 16-17, 2013 -Birthday climb
25. Mt. Mayon/Volcano March 23-24, 2013 post-Birthday climb
26. Mt. Maculot April 6-7, 2013 SAR
27. Mt. Marami April 9, 2013
28. Mt. Tarak April 13-14, 2013
29. Mt. Daguldol April 20-21, 2013
30. Mt. Manalmon May 12, 2013 Mother's Day climb
      Mt. -Casiguran Aurora May 17-19, 2013 - BBBS Outreach
31. Mt. Batulao May 25, 2013 Mina's Anniversary climb
32. Mt. Maranat June 1-2, 2013 XTMSI/Hawk Eye/ Outreach

No comments:

Post a Comment