Friday, March 15, 2013
Diwatang Gala - God's beautiful creation
Amang nasa langit, ngayon po ay ika labing anim ng Marso, maraming maraming salamat po sa lahat ng pagkakataong ibinigay Ninyo sa akin. Hindi Nyo po ako binigo kahit kailan. Sa lahat ng naging karanasan ko sa buhay, hindi po Ninyo ako pinabayaan. Kayo ay laging nakaalalay sa akin. Buong buhay po akong nagpapasalamat at humihingi ng gabay para sa aking sarili, kaibigan at higit sa lahat, sa aking pamilya, lalung-lalo na ang aking mga magulang.
Ngayong araw na ito muli po Ninyo akong binigyan ng pagkakataong masilayan ang napakagandang gawa Ninyo. Dalangin ko po na sana ay makilala at matutunan Kayong tanggapin ng buong puso ng mga taong hindi Kayo kinikilala.
Muli, ako po laging nagpapasalamat sa Inyo muling iniiaaalay ang lahat ng kung anumang meron ako. Sa lahat ng kapaitan at kagalakan ng buhay, lubos po ang aking pasasalamt!
Sa lahat ng mga bumati sa akin, maraming maraming salamat po sa inyo! hehehe! ♥♥♥
Sa aking Hiking Buddies, kayo po ay may malaking bahagi sa aking
mga pangarap na natupad nitong nakaraaang taon ng aking buhay :) higit na sa Team 5C Travelers at K.O.G. Mounteneers (Kalog Outdoor Group) 2011! At sa Sabit-Sabit Mountaineers at Lakbay Diwa Mountaineers, lalung-lalo na sa mga freelancers na nakasama ko. Napakahaba na ng aking isang talata :D wala na po akong babanggiting pangalan. Alam nyo na po kung sinu-sino kayo.
Ngayon po, ako ay mamumundok uli kasama ang BP. Iniisip ko na sasama sa Sabit-Sabit Mountaineers sa Cinco Picos kagabi. Kaya lang, sa loob ng limang araw, limang oras pa lang din ang tulog ko. Kumusta naman, kaya noong ako ay yayain ni ginoong Mon ng BP at malaman ang oras ng pag alis, binago ko na ang isip ko para naman makatulog ng kahit ilang oras bilang pagbawi ng tulog.
Hindi ko man po nakasama ang Team 5C Travelers, at hindi man ako magbibirthday climb kasama sila dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, masaya pa rin po ako at natuloy silang lahat. Hangad ko po ang kanilang masayang paglalakbay ngayong araw na ito pagbaba nila galing sa bundok/bulkan ng Kanla-on.
Kapayapaan para sa lahat!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment